Umabot sa 16 barko ng China ang na-monitor sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, namataan ang ilang China Coast Guard (CCG) vessels sa ilang West Philippine Sea features mula Agosto 18 hanggang 24.
Pinakamarami ang namataan sa Ayungin Shoal na umabot sa 11, sinundan ng apat sa Bajo de Masinloc at isa sa Pag-asa Islands. Wala namang namataan sa Escoda Shoal.
Mas mababa ito kumpara sa 23 barko ng China na na-monitor sa West Philippine Sea mula Agosto 11 hanggang 17.
======
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

