Iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Lunes na siyam sa mga nasawi sa military operation sa Toboso, Negros Occidental ay mga noncombatants, taliwas sa naunang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa pahayag ng CPP, kabilang sa mga nasawi sina journalist RJ Nichole Ledesma ng Paghimutad-Negros at University of the Philippines University Student Council officer Alyssa Alano.
“Based on the initial information we have gathered, they were killed despite the fact they were unarmed or non-combatants. Among them are a journalist, a student leader, peasant organizers, overseas human rights workers and local residents. Two of the victims were children,” ayon sa CPP.
Dagdag ng grupo, kabilang din sa mga nasawi ang dalawang American citizens.
Nagbigay-pugay rin ang CPP sa 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa parehong operasyon.
Nauna nang itinanggi ng AFP at Philippine Army ang mga pahayag na may mga sibilyang nasawi sa engkuwentro.
Ayon sa Philippine Army, ang naturang mga alegasyon ay “deserve closer scrutiny rather than outright acceptance,” at sinabing ang presensya ng mga tao sa aktibong encounter site—na armado at nakikipagbarilan umano sa mga sundalo—ay nagtataas ng seryosong mga tanong.
Sinabi naman ng Malacañang na hindi ito makikialam sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng Toboso military operation.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
