Nasabat ng mga awtoridad ang isang malawakang ilegal na operasyon ng pagmimina sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur sa isinagawang magkasanib na operasyon noong Abril 9 hanggang 10, 2026.
Sa ulat, pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga katuwang ang Philippine National Police (PNP) ang pagsalakay, kung saan sampung indibidwal ang inaresto.
Kabilang sa mga nadakip mga Pilipino at ilang dayuhan na sangkot sa nasabing iligal na gawain.
Nakumpiska rin sa lugar ang mabibigat na kagamitan at tone-toneladang mineral ore na tinatayang nagkakahalaga ng higit P50.5 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagmimina na nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan at likas na yaman ng bansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa mga umiiral na batas pangkalikasan.
Trending
- P2-M halaga ng shabu nasabat
- NLEX-C5 Northlink Mindanao Avenue hanggang Quirino Highway matatapos na
- Illegal drugs sa Valenzuela City : 3 suspects arestado
- Oktoberfest sa Caloocan City binuksan
- LGU CALOOCAN LIBRE MENTAL HEALTH SCREENING
- Atienza inter-island shipping lines irerekomenda ng DOLE ang work stoppage
- Illegal drugs tututukan ng NCRPO
- SUGAPA SA SUGAL, TIKLO RIN SA BOGA

